UNANG TESTAMENTO
Malalim na ang gabi.
Di pa rin ako makauwi. Masyado silang marami. Walang humpay ang kanilang pagsugod. Nakagat ako ng isang dambuhalang tanigue sa singit. Mahapdi. Lalo na ngayong nasa gitna ako ng dagat. Mabuhay lang ako pagkatapos ng laban na'to, pangako ko, hindi na ako kakain ng paksiw na isda.
Puno na ako ng pasa, kagat at kaliskis nang biglang tumigil sa pag atake ang mala-diyablong mga tanigue. Tumingin sila sa kalangitan at bigla na lang nagkandarapang lumangoy palayo. Ako ay nabigla ng aking makita ang dahilan ng pagtakas ng aking mga kalaban.
Umuulan.
Umuulan ng sayote.
Umuulan ng sayote.
Sayote.
Sigurado, maraming magluluto ng chopsuey ngayong gabi.
Malalim na nang gabi.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home